-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Health (DOH) na malapit na nitong maubos ang natitirang backlog ng mga specimen mula sa mga taong tinest sa COVID-19.

Sa huling tala ng DOH noong May 29, may 545 pang natitira na backlog sa mga laboratoryo.

Paliwanag ng ahensya, posibleng dahil ito sa limit nang bilang ng specimens na kayang i-proseso ng mga equipment sa mga laboratoryo.

“We are optimistic that we will eliminate these backlogs within a day or so,” ayon sa DOH.

Hindi naman daw pinapabayaan ng ahensya ang mga laboratoryo, dahil patuloy ang pagpaabot nila ng technical assistance sa mga ito.

Layunin ng Health department na maiwasan ang muling paglobo sa numero ng backlog. Nilinaw din ng ahensya na iba pa ito sa mga kaso ng sakit na pending ang validation sa Epidemiology Bureau.

“By reducing the number of specimen backlogs that have to be processed in our laboratories, we can release results quickly and also report new cases.”

“Again we would like to clarify our use of the term backlog. Backlogs refer strictly to specimens received in our laboratories that have not been processed and have had a result after more than 72 hours.”

Sa ngayon, maaga pa raw para sabihin na posibleng maghudyat ng second wave ang mga maitatalang bagong kaso ng sakit na resulta ng mas mabilis nang validation ng DOH.

Nitong Huwebes nang sabihin ng kagawaran na target nilang maabot ang “zero backlog” pagpasok ng Biyernes.

“We are still currently awaiting today’s data to be submitted by our laboratories. We will update regarding testing backlogs as soon the information is available.”

May 105 pang laboratoryo ang nasa Stage 3 pataas ng accreditation para maging certified testing facility.

Nasa 37 naman na ang bilang ng sertipikadong RT-PCR laboratories, habang 11 ang GeneXpert laboratories.