Lumalabas sa datos na hawak ng Department of Health (DOH) na mas malaki ang porsyento ng mga lalaking tinamaan ng COVID-19 kung hihimayin ang kabuuang bilang ng infection sa bansa.
Ayon sa DOH, mula sa total na 8,928 confirmed cases noong Biyernes, May 1, 54-percent o katumbas ng 4,852 ang kalalakihan.
Mula sa nabanggit na numero, 19-percent o 1,696 daw ay nasa pagitan ng mga edad na 40 hanggang 59-anyos.
Natukoy din ng DOH na mula sa 603 total deaths, 56-percent o 339 ang may iba pang comorbidities o sakit bukod sa COVID-19.
Itinuturing na top 2 sa mga ito ang hypertenstion o high blood na may 64-percent o 217, at diabetes na nasa 49-percent o 166 cases.
Una nang nilinaw ng World Health Organization na wala pang matibay na basehan kung may direktang ugnayan ang mga nabanggit na sakit sa pagkamatay ng ilang pasyente.
Pero malinaw umanong pinahihina lalo ng mga sakit na ito ang katawan ng pasyenteng tinamaan na rin ng COVID-19.
Sa recoveries naman, tinatayang 18-araw ang average ng pamamalagi sa ospital ng isang pasyente bago gumaling ayon sa Health department.
“DOH stays committed to reaching the following goals to combat the threat of COVID-19: (1) increase resilience, (2) stop transmission, (3) reduce contact rate, (4) shorten duration of infection, and (5) enhance quality, consistency, and affordability of care provision.”