Umabot sa 1,776 ang mga nadagdag sa bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), sumampa na sa 483,852 ang kabuuang bilang ng mga kinapitan ng deadly virus sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.2% (25,158) ang mga aktibong kaso.
Nanguna sa may pinakamaraming naitalang kaso ngayong araw ang lalawigan ng Bulacan na may 99; na sinundan ng Davao City, Quezon City, at mga probinsya ng Rizal at Laguna.
Nasa 285 naman ang panibagong nadagdag sa mga gumaling mula sa COVID-19, kaya lumobo pa ang recoveries sa 449,330.
Habang may walo namang bagong namatay dahil sa virus, kaya ang death toll ay pumalo pa sa 9,364.
Limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) kahapon, Enero 7.