MANILA – Inamin ng Department of Health (DOH) na may 15 “closed setting” areas ang nakapagtala ng outbreak ng coronavirus noong nakaraang buwan.
“There were 15 closed settings according to our report in January 1 to 31 (2021),” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Kabilang daw sa mga nakapagtala ng pagkalat ng COVID-19 ang dalawang health facility, tatlong jail facilities at 10 iba pang clusters mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Itinuturing na “closed setting” ang mga establisyemento o lugar na may mga nagsasama-samang indibidwal tulad ng mga ospital at piitan.
Nagpaliwanag naman ang ahensya matapos muling makapagtala ng higit sa 2,000 bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa nakalipas na mga araw.
“Maraming areas na binabantayan tayo na nakikita natin ang pagtatala ng mga bagong kaso ng COVID-19.”
“Tinitingnan din natin ang pagtaas ng kaso dito sa CAR. Nakita natin yung sa Mountain Province and other areas in Cordillera. Aside from that there are still other provinces.”
Nitong Lunes, umabot na sa 527,272 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.