Iniakyat na sa plenaryo ng Senado ang panukalang pagbuo ng Department of Overseas Filipinos (DOFIL).
Sa sponsorship speech ni Senate committee on labor chairman Sen. Joel Villanueva, inisa-isa nito ang kahalagahan ng isang ahensya na tutugon sa mga pangangailangan ng mga manggagawa o mga kababayan nating nakabase na sa ibang bansa.
Giit ng mambabatas, malaking bagay ang pagkakaroon ng iisang opisina na kailangang puntahan, kumpara sa sitwasyon ngayon na magkakahiwalay ito at kailangan pang bumyahe, magpa-schedule at makipag-usap sa maraming tao.
Pero sa balangkas ng bagong ahensya, tatagal lamang ito ng 10 taon.
Laman ng sunbset provision nito na ia-abolish ang DOFIL kung makikitang hindi na ito kailangan o mayroon nang mas epektibong hakbang para tumugon sa OFW concerns.