-- Advertisements --
Minaliit lamang ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang muling pagsipa ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa kalihim na hindi dapat mangamba ang mamamayan.
Naniniwala din ito na hindi na magpapatupad pa ng lockdowns sa bansa.
Wala na rin aniyang epekto ang COVID-19 sa ekonomiya dahil sa mayroon ng mga bakuna at nakahanda na rin ang mga medical facilities sa bansa.
Magugunitang inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na mananatili sa Alert Level 2 ang 26 probinsiya na siyang pangalawa sa restrictive leve.
Noong nakaraang linggo ay nagtala ang 3,148 na kaso ng COVID-19 ang bansa mula Abril 17 hanggang 23 na mayroong average na 450 na kaso kada araw.