Nais na amyendahan ng Department of Finance (DOF) ang mga panuntunan sa pagbenta ng mga assets ng gobyerno para pandagdag kita ng gobyerno.
Ayon kay Finance Undersecretary Catherine Fong na nagkakaroon ng problema ang Privatization and Management Office (PMO) sa pagbebenta ng mga iba’t-ibang pag-aari ng gobyerno.
Dagdag pa nito na kapag nagkaroon ng pag-amyenda ng Privatization Council guidelines para maging madali ang pag-dispose ng mga assets ng gobyerno.
Maraming mga propeties na nakatakdang idispose na ang inaprubahan ng Privatization Council pero hindi magaling sa pagbebenta ang Privatization and Management Office (PMO).
Nanguna ang Department of Finance ng mga proseso ng pagbebenta ng nasa 28,999 na real estate titles ng iba’t-ibang laki.