Kinumpirma ng Department of Finance (DOF) na aabot ng P160.62 billion ni-remit ng mga government-owned or controlled operations (GOCCs) sa Bureau of Treasury (BOT).
Sa isang pahayag, sinabi ng finance department na gagamitin nito ang pera upang tulungang pondohan ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para kontrolin ang pagkalat ng coronavirus disease sa bansa.
Gayundin ang pagbibigay ng economic relied para sa mga negosyo at indibidwal na naapektuhan ng health crisis.
Sa nasabing halaga, P133.50 billion dito ang cash dividends mula sa 50 GOCCs na naka-mandato sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7656 o Dividends Law.
Nakapaloob kasi sa RA 7656 na bawat GOCCs ay kailangang mag-remit ng halos 50% ng kanilang net earnings sa National Government (NG).
Habang ang natitirang P27.12 billion ay sa pamamagitan ng returned unutilized subsidies, bayad sa mga guarantee fees, national government advances at iba pang uri ng remittances.
Ayon kay DOF-Corporate Affairs Group’s (CAG) Undersecretary Antonette Tionko na ang P133.50 billion sa dividend contributions ng mga GOCCs ay halos doble na ng actual full-year collections noong 2019 na
P69.2 billion.
Dagdag pa ng ahensya, nangunguna ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa listahan ng mga GOCCs na may pinakamataas na dividend contributions na may P40.53 bilyong halaga ng remittances.
Sinundan ito ng Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na may P17.98 billion at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na may P17 billion.