-- Advertisements --

Nakiusap ang Department of Energy (DOE) sa Manila Electric Company (MERALCO) na ipagpaliban muna ang mga naka-schedule nitong maintenance activities sa Metro Manila hanggang matapos ang community quarantine ng rehiyon sa April 14.

Sakali kasing matuloy ito, ay magre-resulta sa rotational brownout.

“The DOE asked MERALCO to postpone its scheduled maintenance activities in Metro Manila until after quaratine period (March 14, 2020).”

Ayon sa DOE, dadaan muna sa masinsinang evaluation ang kanilang request.

Sakaliing kailangan pa rin daw na sumailalim sa maintenance activity ay agad na maglalabas ng schedule ang DOE at Meralco para malaman ng mga customer nito.

“If after thorough evaluation, there is still a need to perform maintenance activities for safety reasons, an announcement for the scheduled maintenance will jointly be made by DOE and MERALCO.”