-- Advertisements --
Pinapatipid ng Department of Energy (DOE) ang mga mamamayan sa paggamit ng kuryente ngayong panahon ng tag-araw.
Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, na inaasahan na nila ang pagtaas ng power demands tuwing panahon ng tag-init kung saan magiging manipis ang suplay ng kuryente na aabot pa minsan sa yellow alert status.
Base kasi aniya sa forecast ng Luzon grid na asahan na aabot sa 4012 mega watts ang power demand sa Luzon grid habang mayroong 354 megawatts sa Visayas at 802 megawatts sa Mindanao.
Para maiwasan ang pagnipis ng suplay at pagtaas ng demand ng kuryente ay makakatulong ang pagtipid ng sa paggamit ng kuryente.