-- Advertisements --
image 498

Itinutulak ngayon ng Department of Energy (DOE) ang maayos na paggamit ng aviation fuel sa bansa.

Ito ay matapos ang pakikipag-kolaborasyon ng naturang kagawaran sa aviation sector at iba pang international organization upang makabuo ng ‘alternative fuel’ na magagamit sa transport sector, lalo na sa larangan ng aviation.

Partikular na tinitingnan dito ng DOE ang sustainable aviation fuel (SAF).

Ang SAF ay isang environmental friendly fuel na may potential na magamit at kinukuha mula sa mga natural na bagay.

Kinabibilangan ito ng mga kahoy, forestry products, at agricultural waste, kasama na ang vegetable oil kung saan mayaman ang Pilipinas.

Ayon kay DOE undersecretary Alessandro Sales, ang alternatibong aviation fuel ay tiyak na nakakapagpababa ng greenhouse gas.

Ayon sa DOE official, mayaman ang Pilipinas sa mga ito, at malaki ang potensyal para sa lalo pang pagpapalago ng aviation industry ng Pilipinas.