-- Advertisements --

Humihingi ng tulong ang DOE sa World Bank at iba pang development-partners sa pagbubukod-bukod ng mga patakaran pati na rin ang funding mechanisms na maaaring magpababa ng mga singil sa kuryente sa Pilipinas.

Ito ay habang ang bansa ay sumusulong sa paglipat sa renewable energy.

Sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na kailangang makarating o maabot ng DOE ang isang pagbawas ng mga presyo mula sa kasalukuyan singil sa kuryente.

Binigyang-diin ni Lotilla na ang presyo ng kuryente ay isang makabuluhang alalahanin para sa mga mamamayan.

Para sa isang bansang may karamihan sa mga ratepayers nito ay nakadepende sa kanilang buwanang budget, ang tumataas na singil sa kuryente ay kadalasang kanilang mabigat mga alalahanin.

Dahil dito, naglalayon ang DOE na magkaroon ng solusyon sa problema ng consumer na dapat sumabay sa paglalakbay ng bansa sa target nitong malawakang paglipat sa renewable energy sa 2030.

Binigyang-diin ni Lotilla na ang ‘rate reduction goal’ ay kailangang makamit kasabay ng transformative re-positioning ng bansa sa green energy solutions.