-- Advertisements --
Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang mamamayan na lumahok sa pag-obserba ng Earth Hour sa Sabado, Marso 23.
Ayon kay Energy Secretary Raphael P.M. Lotilla na dapat ay patayin ng publiko ang hindi na kinakailangan na mga ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.
Sa nasabing maliit na bagay ay isang makabuluhang hakbang para maprotektahan ang kalikasan at malabanan ang climate change.
Ngayong taon ay magiging host ang lungsod ng Maynila kung saan lahat ng mga ilaw sa mga kilalang lugar sa lungsod ay papatayin ng isang oras bilang bahagi ng nasabing program.