Kinumpirma ng Defense Department na nag-positibo sa coronavirus ang isang U.S Marine na naka-station sa Pentagon.
Ang nasabing Marine ay isang officer na naka-assign sa service’s headquarter office. Kasalukuyan itong naka-isolate sa kaniyang bahay matapos magpakita rin ng sintomas ng COVID-19 ang kaniyang asawa.
Ayon kay Capt. Joseph Butterfield, kaagad na nilinis ng Pentagon response team ang worspace nito kasunod ng kumpirmasyon na kanilang natanggap na positibo ito sa naturang sakit.
Sinimulan na rin ng Pentagon ang contact tracing para malaman kung sino-sino pa ang nakasalamuha ng pasyente bago ilabas ang kaniyang diagnosis.
Batay sa huling datos ng Department of Defense ay umabo na ng 453 service members, sibilyan, dependents at contractros ang positibo sa COVID-19 habang 227 naman ang myembro ng Marine troops.