Nakiisa si Iloilo First District Janette Garin sa paglulunsad ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), ito ay assistance program Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang aktibidad ay ginanap sa Tigbauan Sports Arena sa Iloilo.
Sinabi ni Garin na ang nasabing programa ay magbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga minimum wage earners sa ilalim ng category na low income.
“Nga sa sige mo kaubra nga kaubra nga kaubra kung ang gasweldo kanimo hindi man guid amo na ka manggaranon, kulang man gihapon ang kita. Ang mantra dapat kang aton liderato ‘help us, help you. Buligan niyo ang kaugalian niyo, ubra kamo! Hindi pwede ang matamad kay wara ikaw pakadtuan. Pero sa pag ubra mo, sa pagpanikasug mo, buligan man ikaw kang gobyerno,”dagdag pa ng mambabatas.
Ayon sa DSWD ang AKAP ay ipatutupad bilang targeted social assistance sa mga indibidwal na walang access sa mga regular na tulong at nabibilang sa pinaka mahirap na populasyon.
Layon din ng programa na magbigay ng tulong sa mga apektado ng mataas na inflation.
Sa ilalim ng General Appropriations Act, ang AKAP ay mayruong P26.7 billion allotment fund para sa taong 2024.
Ayon naman kay Speaker Martin Romualdez na mga pagkain, medical, funeral at cash relief assistance ang ibibigay sa ilalim ng nasabing programa.
Siniguro ni Speaker na walang Pilipino ang maiiwan.
“Sa pamamagitan ng AKAP, masisiguro natin na kahit sa panahon ng krisis, walang Pilipinong maiiwan… Ang tiyakin na bawat Pilipino ay may maaasahang kakampi na handang umalalay sa panahon ng pangangailangan,” pahayag ni Romualdez.