-- Advertisements --

Mas mapapaganda umano ang internet service sa mga malalayong lugar sa bansa dahil sa pagtataas sa budget ng National Broadband Program (NBP) para sa susunod na taon.

Ayon kay Finance Committee chairperson Senator Sonny Angara, dinoble ang budget ng NBP na nagkakahagala na ngayon ng P1.9 billion sa ilalim ng niratipikahang P4.5 trillion general appropriation bill mula sa dating P905.194 million proposed budget.

Kailangan aniya na mas pagandahin pa ang internet infrastructure sa bansa dahil isa ito sa mga kailangan sa bansa. Hindi lamang daw kasi kalsada at mga gusali ang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build ngunit kasama na rin dito ang internet infrastructure dahil magdadala ito ng malaking investments sa Pilipinas.

Sinabi rin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang National Broadban Plan ay magbibigay sa lahat ng pagkakataon para maranasan ang high-speed internet.

Inaasahan na sa mga susunod na taon ay mararanasan na ang multi-stakeholder process ng internet service sa bansa.

Sa ngayon, gumagastos ang mga government offices ng halos P350 megabit per second (Mbps) ng internet bandwidth sa loob ng isang buwan, katumbas ito ng P35,000 kada buwan o P420,000 sa isang taon para sa average-sized agency na nangangailangan ng 100Mbps connectivity.