-- Advertisements --
image 428

Nagpasalamat ang Department of National Defense sa iba’t-ibang mga bansang nagpahayag ng pagsuporta sa ating bansa matapos ang pinakahuling insidente ng panghaharass ng China sa tropa ng militar ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa pinakahuling insidente ng panghaharang at pamamangga ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia vessels sa supply boat ng Pilipinas sa Ayungin shoal na nagsasagawa lamang sana ng rotation at resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Sa isang statement ay sinabi ni DND spokesperson dir. Arsenio Andolong na kinikilala nila ang gobyerno ng France, South Korea, at Japan na tumindig para sa Pilipnas laban ilegal at mapanganib na naging aksyon ng China sa WPS.

Ang naturang mga bansa ay iisa ng posisyon hinggil sa nangyaring insidente kung saan binigyang-diin ng mga ito na walang karapatan ang China sa West Philippine Sea, kasabay ng pagbibigay diin na ang mga aksyon na ginagawa nito ay nakakaapekto sa katatagan ng Indo-Pacific Region.

Kung maalala, bukod dito ay nagpahayag din ng suporta sa Pilipinas ang Estados Unidos, Australia, Canada, at iba pa.