Inatasan ng bagong kalihim ng Department of National Defense ang National Disaster Risk Reduction Management Council na maglabas ng real-time update ukol sa sitwasyon ng Bulkang Mayon at Bulkang Taal.
Ayon kay Sec. Gibo Teodoro, mahalagang real-time ang ibigay ng NDRRMC na impormasyon upang matiyak na tugma at akma ang mga isasagawang tugon ng bawat ahensya ng pamahalaan na nakatutok sa pag-alburuto ng dalawang nabanggit na bulkan.
Maliban dito, magiging akma rin ang ilalabas na abiso sa publiko para sa anumang isasagawang aktibidad/
Kasabay nito, tiniyak naman ng NDRRMC na tuloy-tuloy ang ginagawang koordinasyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan upang tumugon sa anumang pangangailangan ng mga residente.
Maalalang sa nakalipas na linggo ay inumpisahan na ang pagpapalikas sa mga residente malapit sa Bulkang Mayon dahil sa pag-aalburoto nito, habang nauna na ring itinaas sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, matapos itong makitaan ng ilang aktibidad.