-- Advertisements --

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kaniyang suporta sa sandaling buksan muli ng gobyerno ang pinto para sa resumption of peace talks.

Ito ay sa kondisyon na dapat maging sinsero na ngayon ang CPP-NPA-NDF na makipag-usap ng kapayapaan sa gobyerno.

Giit ng kalihim mahalagang ipakita ng komunistang grupo ang kanilang sinseridad at hindi i-take advantage ang pagkakataon na palakasin ang kanilang pwersa.

Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay sa ulat na nakatakdang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte, Luis Jalandoni at Fidel Agcaoili.

Paglilinaw din ng kalihim na hindi siya kontra sa anumang peace initiatives ng gobyerno.

Una ng inakusahan ng militar ang komunistang grupo sa hindi pagtupad sa anumang kasunduan kahit nagpapatuloy noon ang peace negotiations.