Tinapos ni Jill Biden ang ikalawang gabi ng Democratic National Convention 2020 sa pamamagitan ng mensahe para sa kaniyang asawa at United States presidential hopeful Joe Biden.
Dito ay ikinuwento ni Mrs. Biden ang mga trahedyang personal na pinagdaanan ng dating bise presidente ng Amerika na naging daan naman para tumatag ito bilang isang indibidwal.
Ibinahagi rin ng former second lady ang pagkawasak ng kanilang puso ng mamatay noong 2015 ang kanilang anak na si Beau Biden, 46-anyos, dahil sa sakit na cancer.
“Four days after Beau’s funeral, I watched Joe shave and put on his suit. I saw him steel himself in the mirror — take a breath put his shoulders back and walk out into a world empty of our son. He went back to work. That’s just who he is,”
Hindi umano ito nalalayo sa kasalukuyang krisis na nararanasan ng Amerika dulot ng coronavirus pandemic. Naging daan din umano ang pagkamatay ng kanilang anak upang personal na piliin ni Biden si Sen. Kamala Harris bilang kaniyang running mate.
“How do you make a broken family whole? The same way you make a nation whole. With love and understanding – and with small acts of kindness. With bravery. With unwavering faith. You show up for each other, in big ways and small ones, again and again.”
Naging malapit kasi ang dalawa noong nagsisilbi pa bilang attorney general ng California si Harris habang ganun din ang ginagampanang tungkulin ni Beau sa Delaware.