Dahil nahuli na rin daw ang suspek sa pagkamatay ng Pinay worker sa Kuwait ay wala nang nakikitang balakid ang Department of Migrant Workers (DMW) para maiuwi ang bangkay ng biktima.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, kasunod na rin daw ito ng pagkaakaresto at pag-amin ng ng suspek sa pagpatay sa Pinay na si Jullebee Ranara ay pabibilisin na ng pamahalaan ang proseso para ma-repatriate ang bangkay ng biktima.
Sinabi ni Ople na ang susunod daw sa kaso ay ang paglilitis sa suspek pero wala raw nakikitaa ng pamahalaan na balakid pa para magtagal doon ang bangkay ni Ranara.
Sa ngayon, sinabi ni Ople na tuloy-tuloy daw ang arrangement na ginagawa ng Philippine officials sa Kuwait para sa repatriation ng bangkay ng biktia.
Habang ang mga law office na konektado sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay siya namang humahakawa sa kaso sa ngayon.
Kinumpirma rin ni Ople na ang suspek sa pagpatay ay ang 17-year-old na anak na lalaki ng employer ni Ranara.
Agad itong naaresto sa loob ng 24 oras mula nang matagpuan ang bangkay ng Pinay noong Linggo.
Inamin daw ng suspek ang krimen at sinabing buntis si Rabara noong ito ay namatay base na rin sa autopsy.
Sa panig naman ni Ranara, sinabi ng ina nitong matagal na umanong nagrereklamo ang kanyang anak dahil sa pagmamalupit ng anak ng kanyang amo.
Sa ngayon, hinihintay pa rin daw ng DMW ang report mula sa law firm at sa mga otoridad doon.
Si Ranara ay nakarehistro naman sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at entitled ito sa death at burial assistance.
Ang kanyang apat na menor de edad namang anak ay makatatanggap ng scholarships habang ang pamilya ay makakatanggap ng full amount ng kanyang mandatory insurance.