May hakbang na ang Department of Migrant Workers (DMW) para tulungang makahanap ng permanenteng trabaho ang mga overseas Filipino workers na nagpasyang manatili na sa bansa.
Ayon sa DMW na nakipag-ugnayan sila sa Department of Tourism kung saan mayroong inilaan na programa ang dalawang ahensiya para sa mga OFW.
Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na ang programa ay kanilang tinawag na “Balik Bayani sa Turismo program”.
Layon nito ay isailalim sa pagsasanay ang mga OFW sa mga tourism related skills at ilang mga area of expertise ng mga ito.
Dagdag pa nito na malaki ang tulong na ito para sa mga OFW na magpapasyang hindi na babalik sa ibang bansa.
Kasama din nila ang Technical Education and Skills Development Authority para magbigay ng scholarship grant sa mga kaanak ng mga OFW na nais na sumali sa tourism industry.