Kakausapin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga opisyal ng Hong Kong para mabigyang linaw ang pagkasawi ng isang overseas Filipino workers (OFW) matapos na ito ay nahulog habang naglilinis ng bintana ng bahay ng kaniyang amo.
Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na kahit hindi ito nasa ilalim ng criminal law sa Hong Kong ay isusulong pa rin nila ang anumang legal na hakbang.
Makikipagpulong ito kay Minister Sun Yuk-han para maiparating ang nasabing problema.
Dapat managot ang mga employers ng biktima dahil napatunayan na natutulog umano ang mga ito ng mangyari ang insidente.
Mula pa kasi noong 2017 ay pinagbawalan na ang mga domestic helpers na maglinis sa bintana.
Magugunitang patay ang OFW ng mahulog sa ika-18 palapag ng gusali kugn saan nakatira ang amo nito.
Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na nagtagal ang buhay dahil sa tinamo nitong matinding pinsala sa katawan.