Pinag-aaralan ng Department of Migrant Workers (DMW) na magkaroon ng joint circular sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para mas maprotektahan ang mga Filipino seasonal farm workers sa South Korea.
Ito ay matapos makatanggap ang DMW ng humigit-kumulang 40 reklamo mula sa mga seasonal farm workers na naka-deploy sa ilalim ng mga pagsasaayos na ginawa sa pagitan ng mga local government units (LGUs) ng South Korea at Pilipinas.
Sinabi ni DMW Officer-In-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na ang mga nagrereklamo ay may maayos na working visa sa South Korea ngunit hindi dumaan sa proseso ng DMW.
Kabilang sa mga reklamong natanggap ng DMW ay kinabibilangan ng mga isyu na may kaugnayan tulad ng mga kondisyon sa pagtatrabaho sa lugar, at hindi pagbabayad ng mga suweldo, bukod sa iba pa.
Tiniyak ni Cacdac na ang mga kaso ay hinahawakan ng Migrant Workers Office sa South Korea.
Aniya, nakikipag-usap na ngayon ang DMW sa DILG sa pangunguna ni Secretary Benjamin Abalos Jr. para makabuo ng joint circular sa deployment ng mga Filipino seasonal worker para magarantiyahan ang mas mabuting proteksyon sa mga OFW.
Gayundin ang pag-iwas sa anumang posibleng pagsasamantala at pang-aabuso sa Filipino migrant workers.
Makakatulong aniya kung ang mga OFW ay idodokumento ng DMW para mas mamonitor nila ang kanilang sitwasyon.