-- Advertisements --

Nakatakdang limitahan ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers (DMW) at ilang mga ahensiya ang deployment ng mga Filipino seafarers sa mga lugar kung saan nagkakaroon ng mga labanan.

Kasunod ito sa pagkasawi ng dalawang Pinoy seafarers matapos na atakihin ng mga Houthi rebels ang kanilang barko sa Gulf of Aden at Red Sea.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na may karapatan ang mga seafarers na tumangging sumakay sa barko kung dadaan ito sa mga karagatang talamak ang kaguluhan.

Noon pang Pebrero ay naglabas na rin ang DMW ng advisory kung saan inilagay sa ‘warlike at high-risk areas ang Red Sea.