-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro sa US Open si tennis star Novak Djokovic.

Sa kaniyang social media account inanunsiyo ng 21-grand slam champion ang nasabing desisyon lalo na ang hindi pagsali sa nabanggit na torneyo na magsisimula sa susunod na linggo.

Isa sa itinuturong dahilan ay ang hindi pa siya naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Nakasaad kasi sa US ruling na ang mga non-US citizens ay bawal pumasok sa bansa.

Kinumpirma rin ni Stacey Allaster ang tournament director ng US Open ang hindi paglahok ng Serbian tennis player.

Umaasa sila na makasama si Djokovic sa susunod na taon.

Magugunitang noong Enero ay pinalayas si Djokovic dahil sa pagtanggi nito na magpabakuna kaya hindi na siya nakasali sa Australian Open.

Noon ding Hulyo ay hindi na siya nakapaglaro sa Miami Open dahil sa COVID-19 restrictions.