-- Advertisements --

Nasungkit ngayon ng Serbian na si Novak Djokovic ang kanyang ika-pitong titulo sa Wimbledon Open.

Ito ay matapos niyang payukuin ang Australian showman na si Nick Kyrgios sa score na 4-6 6-3 6-4 7-6(3).

Ito na rin ang ika-apat na sunod-sunod na Wimbledon title ng 35-anyos na professional tennis player.

Matapos namang maibulsa ang seventh Wimbledon crown, naitala ngayon ni Djokovic ang kanyang Grand Slam singles haul sa 21.

Isang titulo na lamang ang kailangan ng Worlds Number 3 para maitabla ang record sa men’s all-time record holder na si Rafa Nadal sa Grand Slam.