-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Australian Open si Novak Djokovic.

Ito ay matapos na talunin si Adrian Mannarino ng France sa score na 6-0, 6-0, 6-3.

Ang nasabing panalo ay siyang pang-58th na beses na nakaabot sa quarterfinals ang Serbian tennis star sa isang grand slam.

Dahil dito ay kapantay na niya si Roger Federer na mayroon ding 58th quarterfinals appearance.

Target nito na makamit ang ika-25 na grand slam title ngayong Australian Open.

Susunod na makakaharap nito si Taylor Fritz ng US.