-- Advertisements --

Napantayan na ni Novak Djokovic si Roger Federer sa pinakamatagal na linggong pananatili sa unang puwesto.

Ayon sa ATP, mayroong 310 weeks na nasa unang puwesto ang 33-anyos na Serbian player.

152420363 854515028662948 342267976805270256 n
Novak Djokovic / IG post

Unang nahigitan nito si Rafael Nadal noong Pebrero 2020.

Isa sa naging dahilan sa pagiging una sa puwesto ay ang pagkakuha nito ng Australian Open Title noong Pebrero.

Nasa pangatlong puwesto si Pete Sampras na mayroong 286 weeks habang pang-apat si Ivan Lendl ng Czechoslavakia na nanatili sa number one spot sa loob ng 270 linggo.