-- Advertisements --
Maglalaban ang 10 Filipino artists sa Philippine Selection Night para maging kinatawan ng Pilipinas sa inaugural Eurovision Song Contest Asia 2026.
Kabilang sa mga finalist ang:
- AJAA – “Make it Exist”
- Carmelle Collado – “Sobra-Sobra”
- DNA – “Between Bituin”
- Elha Nympha, Esang de Torres, Lance Reblando at Nar Cabico – “Cheri(e)”
- Jason Dy at Sassa Dagdag – “Di Yan (Red Flag) – Not Him (Red Flag)”
- JM Dela Cerna at Marielle Montellano – “Mapadama”
- Khimo – “Reason to Live”
- Ryssi Avila – “Good For You”
- SAGA – “Broken Beyond Repair”
- VVINK at WRIVE Russu – “Round and Round”
Ibinahagi rin ng Eurovision sa Instagram ang mga pamagat ng kanta at mga teaser ng bawat entry.
Sa Agosto 17 ilalabas ang buong mga kanta, habang gaganapin naman sa Agosto 30 ang Philippine Selection Night kung saan pipiliin ang magiging kinatawan ng bansa.
Ang Grand Finals ng Eurovision Song Contest Asia 2026 ay nakatakda sa Nobyembre 14 sa Bangkok, Thailand.
Ang Eurovision Song Contest ay isa sa pinakamalaki at pinakamatagal nang international live music competitions sa mundo.










