-- Advertisements --

Katapat na ni Serbian tennis star Novak Djokovic si tennis legend Steffi Graf sa tagal ng linggong pananatili sa pagiging world number 1.

Mayroon na kasing 377 na linggong nananatili sa number 1 si Djokovic base sa ranking ng Association of Tennis Professionals (ATP).

Sa susunod na linggo kapag mananatili pa rin sa numero uno si Djokovic ay malalampasan na nito si Graf na nananatili sa ranking naman ng Womens Tennis Professional (WTP).

Nakabalik si Djokovic sa numero uno sa pang-pitong beses matapos ang panalo nito sa Australian Open noong nakaraang Enero.