-- Advertisements --

Nagsagawa na ng survey ang Department of Education (DepEd) para sa mga magulang, estudyante at guro tungkol sa naging karanasan nila sa ipinatupad na distance learning.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, na maaaring ilagay ng mga respondents ang kanilang karanasan ng ipatupad ang distance learning.

Ilan sa mga mga dito na kanilang inaasahan na ilalagay ay ang kakulangan ng gadgets, load para sa data sa online, mabagal na internet at iba pang kahalintulad.

Sa nasabing survey ay malalaman kung may mga pagkukulang na dapat na pagtuunan ng pansin sa pagpapatuloy ng distance learning bago ang tuluyang pagsasagawa ng face-to-face learning.