DisneyWorlds
-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Orange County Economic Recovery Task Force ang pagbubukas sa Hulyo 11 ng Walt Disney World resort sa Orlando, Florida.

Ayon kay Orlando Mayor Jerry Demings, na nagustuhan niya ang isinumiteng plano ng Disney and Sea World sa pagpupulong nila kay agad nitong kinausap si Florida Gov. Ron DeSantis para sa pagbubukasa ng sikat na theme park.

Nagsagawa na rin sila ng inspection sa lugar para matiyak na sinusunod nila ang mga guidelines na ipinapatupad ng Centers for Disease Control and Prevention sa pagbubukas ng theme park.

Sinasabing aabot na sa mahigit $3.4 billion ang lugi ng nasabing kumpanya mula ng magpatupad ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Nauna rito pinayagan na rin ng Florida governor ang pagbubukas ng Universal Studios sa darating na Hunyo 5.

-- Advertisement --