Pinagtibay ng Court of Appeals ang pagkakasibak sa serbisyo ng tatlong Bureau of Immigration officers na dawit sa pagpapahintulot sa ilegal na pagpasok ng mga Chinese national sa bansa o “pastillas scam”.
Ito ay matapos na hindi paburan ng CA Special Sixth Division ang inihaing petisyon ng mga opisyal ng BI na sina Aurelio Lucero, George Bituin, at Salahudin Hadjinoor na baliktarin ang March 2022 decision ng Office of the Ombudsman na nagtatanggal sa kanila mula sa kanilang serbisyo.
Sa isang statement ay binigyang-diin ng CA na ang kanilang basehan para sa imposition ng administrative liability ng mga akusado ay batay sa naging findings ng administrative agencies na base naman sa substantive evidence na nakalap nito tulad ng mga testimonya ng mga credible whistleblower.
Kung maaalala, kinilala ng mga whistleblower sina Lucero, Bituin, at Hadjinoor bilang mga administrators ng Timbre Central Viber group chat na pawang mga responsable naman sa pagfo-forward ng listahan ng mga foreign nationals sa iba’t ibang group chats ng pastillas group.
Sila rin ang itinuturong mga responsable sa pamamahagi ng mga “pastillas” o pera sa kanilang mga ka-miyembro.
Samantala, sa kabilang banda naman ay pinawalang bisa naman ng CA ang administrative charge para sa grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of service laban kay BI officer France Flores nang dahil naman sa kakulangan ng substantial evidence.
Dahil dito ay ipinag-utos ng korte ang pag-reinstate muli sa kaniyang dating posisyon.