-- Advertisements --

Inihayag ni Undersecretary Renato ‘Aboy’ Paraiso ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na sila’y maghahain ng ‘disbarment case’ laban kay Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio.

Naniniwala ang naturang opisyal na mayroon sapat na dahilan para sampahan ng ‘disbarment’ ang naturang abogado dahil sa mga pahayag nito kamakailan.

Kung ihahalintulad aniya raw kasi sa kaso ni disbarred lawyer Larry Gadon, mas nakikitan ng rason o matibay na pagsusulong para ma-disbar si Atty. Respicio.

Kaugnay rito’y ngayong araw ay personal nagtungo si CICC Usec. Paraiso upang sampahan ng reklamo ang bise alkalde ng Isabela.

Inireklamo niya si Atty. Harold ng inciting to sedition, rebellion at unlawful public utterances sa National Bureau of Investigation.

Nag-ugat ang reklamo sa mga makaraan pahayag ni Vice Mayor Respicio nag-uudyok sa publiko para mag-umpisa ng rebelyon sa gobyerno.

Kung kaya’t dahil rito’y ipinatatawag ng National Bureau of Investigation ang abogado upang magsumite o ibahagi ang kanyang paliwanag.