Target ng Kamara na aprubahan ngayong Nobyembre ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).
Sinabi ito ni Albay Rep. Joey Salceda nitong araw matapos na yanigin ang Mindanao ng ilang serye ng malalakas na lindol noong nakaraang linggo.
Sa ngayon 25 ang bilang ng mg apanukalang batas na nakahain sa Kongreso para sa pagtatatag ng DDR, hakbang na hiniling mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas sa kanyang naging State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.
Isa sa mga may-akda sa naturang mga panukala ay si Quezon City Rep. Alfred Vargas, kung saan sa ilalim ng kanyang inihaing House Bill 2001 inaatasana ng DDR sa pangunguna sa inter-governmental coordination ng mga disaster at climate resilience plans, programs at activities.
Pag-iisahin din sa bagong kagawaran na ito ang National Disaster Risk Reduction and Management Council, Office of the Civil Defense at iba pang related agencies para matiyak ang immediate assistance sa mga biktima ng sakuna.
Sa ngayon, pending pa rin sa House techinal working group ang DDR bill, ayon kay Salceda.
Kaya naman umaasa si Salceda na sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala.