Simula kagabi naka deploy na ang Disaster Response and Relief Units ng Philippine Navy bilang tugon sa paghagupit ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Phil. Navy Spokesperson Lt. Cdr. Maria Christina Roxas isa sa kanilang team mula sa Naval Forces Southern Luzon (NFSL) ang naka-deploy ngayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Operation Center sa Provincial Capitol Compound of Pili, Camarines Sur.
Habang isa pang DRRT ng pinadala mula sa NFSL para magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga residente ng Pili at Bula sa Camarines Sur kagabi.
Isa pang DRRT mula sa NFSL Naval Special Operations Unit-3 anc naka-deploy sa Munisipalidad ng Nabua, habang dalawang DRRT ng Naval at Marine reservists ang naka-stand by.
Tiniyak ng Philippine Navy na sila’y laging handa na umalalay sa mga mamayan sa oras ng pangangailangan.