-- Advertisements --
Nagpasya ang singer na si Dionela na kaniyang ibibigay bilang donasyon sa mga nasalanta ng bagyo ang kikitain mula sa nalalapit niyang konsiyerto.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ang larawan niya na may dalang white board.
Nakasulat doon na ang kikitain sa nasabing konsiyerto sa concert nito sa darating na Nobyembre 21 at 22 ay ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo.
Dagdag pa nito na ang concert niyang ‘The Grace Tour’ ay nangangahulugan na ibigay ang grasya sa mga nararapat.
Sa kasalukuyan ay sold out na ang unang araw ng konsiyerto ay sold out na habang malapit na rin ma-sold out ang ikalawang araw.
Gaganapin ang nasabing konsiyerto sa New Frontier Theater sa Quezon City.















