-- Advertisements --
Ikinasal na ang singer na si Dionela sa kaniyang longtime partner na si Meizy Mendoza.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang mga larawan ng kanilang pag-iisang dibdib.
Dinaluhan ito ng kanilang mga kaanak ganun din ang mga malalapit na kaibigan.
Naging pribado ang nasabing seremonya kung saan mga piling bisita lamang ang inimbitahan.
Magugunitang noong nakaraang taon ng mag-propose ang “Marilag” singer sa kaniyang nobya habang isinagawa ang kaniyang konsiyerto.
















