Nanumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) si dating Budget Sec. Benjamin Diokno.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nanumpa si Diokno dakong alas-6:00 ng gabi.

Si Diokno ang humalili kay Nestor Espenilla Jr. na namayapa noong Pebrero 23.

Una nang sinabi ni Panelo na itinalaga si Diokno bilang pinuno ng BSP ay dahil sa kanyang “integrity, competence, expertise.”

“We have a good man there, we have an experienced man, we have an expert man, we have a man of integrity,” wika ni Panelo.

Matatandaang pinili ni Pangulong Duterte si Diokno bilang BSP chief sa ginanap na Cabinet meeting nitong Lunes.