Ikinagulat ng isang mangingisda sa Norway nang makahuli ito ng isang “alien-looking” creature mula sa dagat.
Ang nasabing hayop ay may malaki ngunit tila nakaluwang mata at maliit na katawan.
Ayon kay oscar Lundahl, fishing guide para sa Nordic Sea Angling, blue halibut sana ang hanap nito sa isla ng Andoya ngunit iba ang kaniyang nahuli.
Tinatayang may lalim umano na 2,600 feet ang tubig kung saan nahuli ni Lundahl ang kakaibang isda.
“There were two halibut on two of the hooks and I was really happy about that and then I saw there was something else. It was pretty amazing. I have never seen anything like it before. It just looked weird, a bit dinosaur-like. I didn’t know what it was but my colleague did,” kwento ni Lundahl.
Nabatid na isang uri ng ratfish ang nasabing isda.
Di-umanoy kauri ito ng pating 300 milyong taon na ang nakalilipas. Nakatira ito sa malalim na parte ng dagat at mahirap hulihin.
Paniniwala ni Lundahl, dahil sa matinding pagbabago ng pressure sa tubig ay hindi nakaligtas mula rito ang ratfish.
Nagawa pa aniya na lutuin ito at tikman ang lasa. (FOX news)