-- Advertisements --
Hindi nagpaawat si NBA superstar Kevin Durant nang magtala ng season high na 42 points para iposte ang ika-43 panalo ng team ngayong season.
Sa third quarter pa lamang ay kumamada na ng 22 points si Durant sa kanyang ikawalong laro mula sa pagpapagaling sa kanyang injury.
Ang dalawa pang superstars ng Brooklyn na sina Kyrie Irving at James Harden ay hindi pa rin nakakabalik sa game dahil din sa injury.
Nagpakitang gilas naman ang reserve forward ng Nets na si Alize Johnson na umiskor ng 20 points at 21 rebounds.
Ang Brooklyn ang top team ngayon sa Eastern Conference at una nang nakuha ang playoff spot kasama ang Philadelphia.