-- Advertisements --
Tinanghal bilang unang world chess champion si Ding Liren.
Ito ay matapos na talunin si Ian Nepomniachtchi ng Russia sa pamamagitan ng rapid-play tie-break sa torneo na ginanap sa Kazhakhstan.
Dahil dito ay nakuha na ng 30-anyos na si Ding ang pagiging World Chess Championship na hawak dati ni Magnus Carlsen ng Norway.
Nagpasya kasi si Carlsen na hindi na nito idedepensa ang kaniyang titulo matapos ang pamamayagpag ng 10 taon.
Mayroong mataas na rating si Ding kumpara kay Nepomniachtchi sa faster formats ng laro pero hindi ito gaanong naglaro sa mga official competitions mula pa noong Enero 2020.