Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Dinagat Islands kaninang umaga.

Ayon sa Phivolcs, alas-10:16 ng umaga nang mangyari ang naturang pagyanig 50 kilometers northeast sa bayan ng Loreto.

Tectonic daw ang origin ng lindol na may lalim na 31 kilometrs.

Naitala ang intensity 1 sa Talibon, Bohol; Roxas City; at Gingoog City.

Hindi naman inaasahang makapagdulot ng pinsala ang naturang lindo, subalit posibleng makaranas ng aftershocks ang mga nabanggit na lugar.