Itinanggi ng Diliman Doctors Hospital na nakatanggap sila ng mga panis na pagkain mula sa donation drive ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Pahayag ito ng ospital, matapos madawit sa kumakalat na online post kung saan inaakusahan ang bise presidente ng pamamahagi ng panis na pagkain sa mga health frontliners.

Ayon sa statement ng pagamutan, nakatanggap sila ng food donation sa tatlong magkakahiwalay na okasyon mula sa OVP, pero wala sa mga ito ang napatunayang sira o panis.

Pinabulaanan din ng ospital na sumugod sa kanila si Atty. Barry Guttierez, na tagapagsalita ni Robredo, para mag-alok ng perang donasyon kapalit ng sinasabing insidente.

“Atty. Guttierez or any representative from the Vice President’s Office never surfaced in our hospital to offer any monetary payoff.”

“It could have been an honor to see the Vice President of the Republic of the Philippies, Honorable Leni Robredo, visiting our hospital in this COVID pandemic.”

Sa ngayon, nakatuon daw ang focus ng ospital sa pagbibigay ng pangangailangang medikal ng komunidad sa gitna ng hinaharap ng health crisis ng bansa.

Una nang itinanggi ng OVP ang umano’y fake news. Mismong si VP Leni na rin ang nagbanta na hahabulin ang mga nagpakalat ng maling impormasyon para mabigyan ng karampatang aksyon.