-- Advertisements --

Hindi pabor ang Department of Interior and Local Government (DILG) na alisin na ang polisiyang nag-oobliga sa publiko na magsuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Sinabi ni DILG spokesperon Jonathan Malaya na hindi pa ngayon ang tamang panahon para bawiin ang face shield policy gayong problema pa rin ang COVID_19 pandemic. 

Bukod dito, hindi pa nga aniya nakakamit ang inaasahan na tinaguriang population protection, kung saan nasa 50 million katao ang nababakunahan kontra COVID-19.

Iginiit ni Malaya na karagdagang layer ng proteksyon laban sa COVID-19 ang paggamit ng face shield.

Kung tatanggalin ito, kailangan aniyang palitan ito ng isa pang uri ng proteksyon, na ayon kay Malaya ay ang bakuna kontra COVID-19.