Nagpapakita ngayon ng buong suporta si Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa programa ng lalawigan na paglaban sa ilegal na droga.
Kabilang ito sa kanilang natalakay sa pagbisita nito sa Kapitolyo kasama si Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.
Napag-usapan din nina Cebu Gov. Gwen Garcia ang pagsisikap na i-decongest ang Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center at iba’t ibang programa ng Kapitolyo na isinagawa sa panahon ng pandemya.
Pinuri ni Abalos ang magaling na pamumuno umano ni Garcia at Cebu City Mayor Mike Rama na nakikitang performances sa probinsya at lungsod ng Cebu.
Ipinaliwanag pa niya na ang pagdagsa ng pumupuntang turista sa ng Cebu ay isang pahiwatig na dahilan ito ng good governance ng local at national government.
Dagdag pa nito na sangkap sa kahit anong economic recovery ay ang estado ng peace at order ng lugar at nakita naman umano nito na ginawa ng mga pulisya ang kanilang tungkulin.
Payo pa ng kalihim sa mga ito na dapat mag concentrate sa mga layunin lalo na ngayong nalalapit na Bagong Taon na laganap ang krimen.
Dagdag pa ni Abalos na kinakailangang na mag focus sa droga dahil mabigat ito na problema na kahit mga mayayamang bansa ay nahihirapan din sa war on drugs.