Pinaalalahanan ng DILG ang 81 probinsya sa bansa na maging transparent at accountable sa paggamit ng P6.197 billion “Bayanihan Grant to Provinces (BGP)” para sa COVID-19 response.
“I urge the governors to utilize the BGP in a quick and efficient way and at the same time be transparent and accountable in its use… ,” ani Interior Secretary Eduardo Año.
Binigyan diin ni Año na ang grant na ito ay one-time financial assistance lamang sa mga probinsya kaya dapat maging maalam sa paggamit nito.
Sa ilalim ng Local Budget Circular No. 126 ng Department of Budget and Management (DBM), ang BGP ay dapat lamang gamitin sa COVID-19 response.
Subject pa rin aniya ito sa existing procurement, budgeting, accounting at auditing rules and regulations.
Bukod dito, nilinaw din ng DBM na ang inilabas na pondo ay magkasinghalaga sa kalahati ng isang buwan sa fiscal year 2020 Internal Revenue Allotment (IRA) share ng 81 probinsya sa buong bansa.
Sa kabilang dako, iginiit ng kalihim na ang paggamit ng BGP ay dapat augmentation lamang at hindi duplicate ng pondong inilaan para sa national government agencies tulad ng sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Pinaalalahanan din nito ang provincial LGUs na ang inilabas na halaga para sa BGP ay dapat na gamitin sa kahabaan ng State of Calamity.
“Funds which remain unutilized after the lifting of the State of Calamity shall be reverted to the National Treasury by the recipient cities and municipalities,” ani Año.