Ibinahagi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretar Jonvic Remulla na isang pirmadong digital copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang ipinakita ng kapatid nitong si Ombudsman Jesus Remulla.
Ayon sa Kalihim na isang pirmadong digital copy subalit hindi ito verified digital copy.
Dahil sa nag-withdraw na rin ang Pilipinas sa ICC ay walang pormal na channel ang bansa para iberipika ang sinabi ng Ombudsman na mayroon warrant nga ang senador.
Magugunitang sinabi ni Ombudsman Remulla na mayroon na itong nakitang digital copy ng warrant of arrest laban kay Dela Rosa mula sa ICC.
Si Dela Rosa ay siyang PNP chief noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong ipinatupad ang madugong kampanya laban sa iligal na droga.
















