-- Advertisements --
image 188

Pinayuhan ng Department of Interior and Local Government ang mga Local Government Units na tulungan ang Commission on Elections na tanggalin ang mga election propaganda na labag sa batas.

Ayon kay Sec. Benhur Abalos, malaki ang maitutulong ng mga LGU upang matiyak na walang makakalusot na ilegal na campaign materials, lalo na sa mga lansangan.

Ayon sa kalihim, ang DILG, mga LGU, at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay na-deputized ng COMELEC upang tulungan ito sa pagpapatupad ng mga election laws.

Ginawa ni Sec. Abalos ang pahayag, halos tatlong linggo bago magsimula ang election period para sa Brgy at SK Elections.

Batay sa calendar of activities ng COMELEC, magsisimula sa Agosto-28 ang Election Period at magtatapos hanggang Nobiembre 29.

Nakatakda naman sa Oktobre-30 ang araw ng halalan, habang ang panahon ng pangangampanya ay nakatakdang magsimula mula Oktubre-19 hanggang 28.